February 23, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sen. Win, nag-react sa urirat kung totoo bang break na sila ni Bianca

Sen. Win, nag-react sa urirat kung totoo bang break na sila ni Bianca
Photo courtesy: via Balita/Bianca Manalo (IG)

Kinulit ng mga taga-media kamakailan si Sen. Win Gatchalian tungkol sa kumakalat na tsikang hiwalay na raw sila ng kaniyang girlfriend na si ex-beauty queen-Kapuso actress Bianca Manalo.

Nangyari ang pag-untag sa senador sa naganap na "Kapihan sa Senado" noong Enero 8. Ang hirit pa sa kaniya ng media person ay kung may kayakap ba siya sa mga nagdaang selebrasyon gaya ng Pasko at Bagong Taon.

Walang itinanggi o kinumpirma ang senador subalit kakaiba ang kaniyang mga naging tugon gaya ng "Secret" at "No comment."

Hindi raw ugali ng senador na mag-disclose ng kaniyang personal life.

Relasyon at Hiwalayan

Kris Aquino, single na ulit!

Matatandaang Enero 7 nang lumikha ng ingay ang tungkol sa hiwalayan umano ng couple na isang showbiz personality at isang politiko, na tila isang blind item, sa pamamagitan ng ulat ng Fashion Pulis.

Mapapansin daw sa Instagram posts ng dalawa na tila wala na silang mga larawan na magkasama, kumpara sa previous posts na makikita sila together.

May pamagat ang ulat na "Have Senator Sherwin Gatchalian and Beauty Queen Actress Bianca Manalo Called it Quits?"

Ginawang hint ng intriga ang tungkol sa November 29, 2024 Instagram post ni Bianca tungkol sa kaniyang "batang sarili."

"Don’t worry, little Bianc You’re going to be okay ," mababasa sa caption.

Sa mga sumunod na Instagram posts ni Bianca ay kapansin-pansing siya na lamang mag-isa sa mga larawan o video, o kung may kasama man, mga kaibigang babae na lamang.

Batay rin sa Instagram posts niya noong Bagong Taon ay walang Sen. Win ang makikitang kasama niya habang nasa Tokyo, Japan.

Kung bibisitahin din ang Instagram posts ni Sen. Win ay hindi rin makikitang kasama niya si Bianca, personal man o work event.

Kapansin-pansin ding parehong naka-limit lamang ang comment section ng kanilang Instagram posts.

Sa dulo ng write-up, ayon daw sa source ng Fashion Pulis, ay kinumpirma nitong maaaring wala na nga ang dalawa.

"A reliable source of Fashion PULIS claims that Senator Sherwin Gatchalian and Beauty Queen Actress Bianca Manalo may have called it quits," mababasa rito.

Matatandaang nasangkot sa eskandalo si Bianca nang dahil sa kumalat na screenshot ng umano'y private conversation nila ni Kapuso actor Rob Gomez.

Ngunit matapos ang isyu ay tila hindi naman naapektuhan ang kanilang relasyon ng senador. Sa katunayan, naging usap-usapan pa nga ang "tukaan" nila habang nasa loob ng senate hall.

Kaya tanong ng mga netizen, ano nga raw kaya ang puwedeng puno't dulo ng umano'y hiwalayang ito, kung sakaling totoo at kumpirmado?

Wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, post, o anumang kumpirmasyon ang kampo naman ni Bianca tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

MAKI-BALITA: Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo, hiwalay na nga ba?