January 12, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Aubrey Miles, Troy Montero naniniwala sa open relationships?

Aubrey Miles, Troy Montero naniniwala sa open relationships?
Photo Courtesy: Aubrey Miles (IG), Pexels

Nausisa ang celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero kung naniniwala ba sila sa konsepto ng open relationships.

Sa latest episode ng “Your Honor” noong Sabado, Enero 11, sinabi ng dalawa na hindi raw sila nagyayaya ng ibang taong magdadagdag ng ligaya at romansa sa kama.

Pero inamin naman nina Aubrey at Troy na minsan na rin daw nilang pinag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.

“Alam mo, we talked about it. Sabi ko, sige na ganito, ganyan. Sabi niya, ako nga pagod na pagod na ako sa ating dalawa pa lang may isasali pa tayo,” saad ni Aubrey.

Relasyon at Hiwalayan

Coco, nagsalita na sa pagiging showy niya kay Julia

Dagdag naman ni Troy, “We talked about it na kunwari may situation sa social media or whatever, ‘yong story or something-something.”

Ayon pa kay Aubrey, mayroon daw silang top 5 international celebrities na bet nilang maka-join sa kama hypothetically tulad ni Brad Pitt.

“Walang local. Bawal ‘yong local,” sabi ni Troy.

Sa kasalukuyan, going strong ang relasyon nina Aubrey at Troy. In fact, dalawang dekada na silang nagsasama as couple.