January 08, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Piolo aminadong dumaan sa mid-life crisis, pa-quit na sana sa showbiz

Piolo aminadong dumaan sa mid-life crisis, pa-quit na sana sa showbiz
Photo courtesy: Screenshot from Toni Talks (YouTube)/Star Cinema (FB)

Inamin ng tinaguriang "Ultimate Heartthrob" na si Piolo Pascual na minsan na rin siyang dumaan sa tinatawag na "mid-life crisis" at naisipan na niyang umalis ng showbiz, mag-migrate sa US at doon na manirahan.

Sa panayam sa kaniya ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa "Toni Talks," sinabi ni Piolo na napagdesisyunan na raw niyang mag-quit sa showbiz pagkatapos gawin ang 2014 movie nila ni Toni na "Starting Over Again" na talaga namang pumatok sa mga manonood at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan.

Ito ang unang pagtatambal sa pelikula nina PJ at Toni matapos nilang magsama sa isang softdrinks commercial na naging daan para kay Toni para mas makilala pa.

Sey ni Piolo, nang mga sandaling iyon ng kaniyang buhay ay nagsisimula na raw siyang magtanong kung ano ba talaga ang purpose ng kaniyang buhay.

Tsika at Intriga

'Parang walang nangyari!' Netizens, nag-react sa pagbulaga nina Maris, Anthony

Palagay ng aktor ay bahagi ito ng tinatawag na "mid-life crisis" dahil pa-40 anyos na siya ng mga sandaling iyon. Nakaramdam daw siya ng tinatawag na "emptiness."

Sa katunayan, paunti-unti na nga raw niyang pinadadala sa States ang kaniyang mga gamit.

Nagsabi na rin daw siya sa lahat na ang nabanggit na pelikula ang huling proyektong gagawin niya.

Naiyak pa nga raw siya nang magkaroon ng victory party para sa nabanggit na pelikula.

Pero napagtagumpayan ni PJ ang pinagdaanang crisis nang maging Christian Born Again siya.

Narealize daw niya ang dahilan ng kaniyang pag-aartista nang tanggapin niya si Kristo sa kaniyang buhay.

"Ah kaya pala ako nag-artista, kaya ko pala ginagawa 'yong ginagawa ko is because of God's purpose. It's not my purpose, but His purpose..." aniya.

MAKI-BALITA: Piolo sa mga artistang Gen Z: 'Wag dapat lumaki ang ulo'

MAKI-BALITA: Piolo Pascual, itinuturing na 'daddy' si Mr. M