Nagbigay ng payo si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa mga bagong artista at aspiring young star na gustong pumasok sa showbiz industry.
Sa latest episode ng âToni Talksâ noong Linggo, Enero 5, sinabi ni Piolo na huwag daw dapat lumaki ang ulo ng mga bata at bagong artista.
âHuwag dapat lumaki ang ulo,â saad ni Piolo. âAng hirap kasi ng Gen Z ngayon, e. Nakakalunod âyong social media. So I would suggest or encourage them to stay away from it as much as possible.
âKasi that shouldnât define you. Because âyong core mo dapat âyong nanggagaling sa bahay, âyong faith mo. Hindi âyong sinasabi ng tao, hindi âyong kung gaano karami ang followers mo,â dugtong pa niya.
Masasabing isa si Piolo sa mga artistang nakatagal sa industriya sa mahabang panahon. Matatandaang lampas dalawang dekada na niyang ipinapamalas ang talento sa pag-arte.Â
Nagsimula ang showbiz career ni Piolo nang una siyang mapabilang sa youth-oriented show na âThatâs Entertainment.â
MAKI-BALITA:Â Piolo Pascual, itinuturing na 'daddy' si Mr. M