Matapos ang pag-anunsyo ng kaniyang ex-girlfriend na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na hiwalay na sila, kumakalat naman ang ilang screenshots mula sa Instagram post ni Jak Roberto habang may kasamang afam o dayuhan.
Ibinahagi kasi ni Jak ang video ng pagsalubong niya sa 2025, sa pamamagitan ng pagdalo sa countdown concert party ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, anak na si Gab Valenciano, at Nation's girl group na BINI.
Ini-screenshot ng ilang mapang-intrigang netizens ang pagyakap ng nabanggit na afam kay Jak nang sumapit na ang Bagong Taon matapos ang countdown.
Minalisya ng mga netizen ang nabanggit na screenshot at binigyang-kulay ang pagyakap sa kaniya. Kumalat na ito sa iba't ibang social media pages.
Isa na nga rito ang socmed page na "Siargao Secret."
Mababasa sa caption nila, "WHAT IF???"
"Jak Roberto having fun with Afam during New Years Eve countdown party in Makati. Ang afam naay uyab nga girl ha? Its a friendly hug lang."
Humamig naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"again, here we are playing the sexuality card, let him be, no matter what's the meaning of this photo"
"bago yan kumiss pa 'yong afam sa isang girl, so meaning may GF. masyado kayong mapagmalisya..."
"Bumati lang naman yung afam kasi new year's countdown nakakaloka kayo..."
"Bawal na pala mag hug ang both straight ? Kaloka kayooo judgemental"
"Kung sino man yan, happy lang..."
"Syempre maniniwala ang mga marites na di napanuod/pinanuod yong video clips nyan"
"It’s funny how most of the comments saying that Jak might be the real Barbie are coming from the LGBTIQ+ community. I thought we were asking for respect and equality? Make it make sense."
"Grabe naman kayo maka afam ni jak hahaha panuurin nyo muna bago kayo manghusga"
Pero kung papanooring mabuti ang video ni Jak, makikitang humalik muna sa lips ng isang babaeng dayuhan din ang nabanggit na afam.
Meaning, puwedeng masabing kasama ng afam ang kaniyang girlfriend, at wala itong anumang relasyon kay Jak kundi kaibigan lamang.
Masayang yumakap ang dayuhan kay Jak dahil nga sa countdown ng pagpasok ng Bagong Taon, na karaniwan lamang naman sa mga ganitong okasyon.
Makikita rin sa video na kasama ni Jak si Gab Valenciano habang masayang-masaya sila.
MAKI-BALITA: Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya
Hindi pa nagsasalita o wala pang pahayag si Jak tungkol sa hiwalayan nila ni Barbie.
Maganda rin sigurong kung mangyari man ito ay ipaliwanag din niya ang mga espekulasyong umiikot sa puno't dulo ng paghihiwalay nila matapos ang pitong taon.
MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!
Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ni Jak tungkol dito.