March 11, 2025

Home BALITA National

Mga nasawi dulot ng paputok, umakyat na sa apat — DOH

Mga nasawi dulot ng paputok, umakyat na sa apat — DOH
(MB file photo)

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa bansa dulot ng paputok, ayon sa Department of Health nitong Linggo, Enero 5.

Sa tala ng DOH, tatlo sa mga nasawi ang mula sa fireworks-related injuries habang ang isa naman ay mula sa ligaw na bala. 

Samantala, umabot na sa 832 ang bilang ng mga kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok nitong 2024, kung saan 37% na mas mataas ito kumpara sa naitala noong 2023.

Inihayag ng DOH na 36 sa bagong kaso ng firework-related injuries ang naitala noong bisperas ng Bagong Taon, 10 kaso ang dumagdag noong Bagong Taon, at 15 naman ang naiulat noong mga nakaraang araw. 

National

ICC assistant to counsel, may pahayag tungkol sa dapat gawin sa taong inaresto ng ICC

“Kwitis, 5-star, at boga ang nananatiling nangungunang sanhi ng mga pinsala. Kabilang dito ang pagkasunog ng balat at mga malubhang kaso ng amputation o pagputol ng bahagi ng katawan,” anang DOH. 

“Nananatili pa rin ang mga kabataan at menor de edad bilang pangunahing biktima ng mga paputok.”

Muli ring nagpaalala ang ahensya sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok dahil delikado ito, legal man o hindi ang gagamiting paputok.