May 16, 2026

Home BALITA Probinsya

57-anyos na babae sa Negros Occidental nakidlatan, patay!

57-anyos na babae sa Negros Occidental nakidlatan, patay!
(file photo)

Isang 57-anyos na babae ang nasawi sa tama ng kidlat sa Pontevedra, Negros Occidental noong Sabado, Enero 4.

Ayon kay Police Capt Darryl Kuhutan, hepe ng Pontevedra police, nakilala ang biktima bilang si Trinidad Baliguat ng Barangay Don Salvador Benedicto.

Sinabi ni Kuhutan na nagtatrabaho ang biktima sa isang tubuhan nang tamaan ng kidlat.

Natagpuan daw ang kaniyang bangkay ng kaniyang mga kasama matapos ang isang oras.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan idineklara itong patay. Ang kaniyang pamangkin ang nag-report ng insidente sa pulisya.

Probinsya

3-anyos na bata, todas sa hampas ng kawayan at inihataw pa sa semento ng sariling lolo!

Glazyl Masculino