January 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Marco Gallo, Heaven Peralejo engaged na nga ba?

Marco Gallo, Heaven Peralejo engaged na nga ba?
Photo Courtesy: Marco Gallo (IG)

Palaisipan sa mga netizen ang totoong relationship status nina Heaven Peralejo at Marco Gallo matapos ibahagi ng huli ang isang video sa kaniyang Instagram account.

Sa isang IG post kasi ni Marco kamakailan, mapapanood na ka-video call niya si Heaven habang siya ay nasa ibang bansa.

“Distance means so little when someone means so much,” saad ni Marco sa caption.

Ngunit maraming netizens ang nawindang nang mapansin nilang “fiance” ang nickname ni Heaven sa cellphone ni Marco. Narito ang ilan sa kanilang komento:

Tsika at Intriga

Di na alam salitang love life: Piolo 13 years na palang single, bakit kaya?

"Are they married or not???"

"He named her number/facetime as “Fiance” so possibly they are Engaged"

"heaven’s name on marco’s phone being “Fiance” "

"FIANCE?!?!?? "

"When the fiance changed to wifeyy? "

"THAT "FIANCE""

"@marcogalloc Number was saved as FIANCE ,so much loved marco, the way you treat ,you are really a love story book."

Sa kasalukuyan, wala pa ring kumpirmasyon kung ano ba talaga ang real-score sa pagitan nina Marco at Heaven.

Ngunit matatandaang ilang beses nang ibinalandra ng dalawa sa social media ang kasweetan nila sa isa’t isa na tila pahiwatig na higt pa ang turingan nila sa pagkakaibigan.

MAKI-BALITA: Marco ibinalandra sweetness kay Heaven: 'Love looks good on us!'

MAKI-BALITA: Heaven at Marco, nilanggam sa IG: ‘Amidst all the chaos, you’re my calm’