Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Ilocos Norte dakong 7:12 ng gabi nitong Huwebes, Enero 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Pasuquin, Ilocos Norte, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.