Ano nga ba ang “biggest fear” ng isang amang kagaya ni “Hold Me Close” star Carlo Aquino para sa kaniyang anak na si Mithi?
Sa latest episode ng “BRGY” noong Lunes, Disyembre 30, sinabi ni Carlo na natatakot daw siyang dumating ang panahong hindi na makikipaglaro si Mithi sa kaniya.
“‘Yong isa mga fear ko—kasi nga madalang kaming magkita ‘di ba—na kapag sinundo ko siya ta’s dumating na siya sa bahay, hindi na gano’n ka-playful. Hindi na laro ‘yong gusto,” saad ni Carlo.
Dagdag pa niya, “Darating siya sa akin, sabihin natin mga 6-years old na, ayaw na niyang makipaglaro. Masakit siya sa akin.”
Pero bilang konsolasyon—ayon kay Kapamilya TV host Bianca Gonzalez—-hindi naman daw mawawala kundi mapapalitan lang ang paraan ng pakikipaglaro ng bata sa magulang sa paglaki nito.
“Kasi, and scientifically proven, na ang child daw to the dad pinaka-happy or lumalabas ‘yong mga happy hormones ‘pag play talaga. So mage-evolve lang,” aniya.
Matatandaang si Mithi ay anak ni Carlo sa dati niyang jowang si Trina Candaza. Pero sa kasalukuyan, kasal na ang aktor sa kapuwa niya artistang si Charlie Dizon.
MAKI-BALITA: Trina Candaza, hindi ipinagdadamot ang anak kay Carlo Aquino