April 30, 2025

Home BALITA National

3 weather systems, nakaaapekto pa rin sa bansa – PAGASA

3 weather systems, nakaaapekto pa rin sa bansa – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, Disyembre 30, na ang tatlong weather systems na northeast monsoon o amihan, shear line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang shear line, o ang linya kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Rizal, Laguna, Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Inaasahan namang magdudulot ang ITCZ, o ang linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres, ng maulap na kalangitan na may kasamang isolated na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Zamboanga Peninsula, the rest of MIMAROPA, the rest of Bicol Region, Caraga, Davao Oriental, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Lanao del Norte, at Lanao del Sur.

Malaki naman ang tsansang magdadala ang malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Cordillera Administrative Region at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahan ding magdadala ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Ilocos Region at mga natitirang bahagi ng Central Luzon. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Malaki rin ang tsansang magdudulot ang shear line ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng CALABARZON.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa mga natitirang bahagi ng Mindanao bunsod ng ITCZ. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).