January 04, 2025

Home SHOWBIZ Events

Kakki Teodoro, 'di inasahan MMFF Best Supporting Actress award

Kakki Teodoro, 'di inasahan MMFF Best Supporting Actress award
Photo Courtesy: Kakki Teodoro (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang theater actress na si Kakki Teodoro matapos niyang matanggap ang Best Supporting Actress award para sa kaniyang natatanging pagganap sa “Isang Himala.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Disyembre 28, tampok ang panayam kay Kakki sa katatapos lang na 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Ayon kay Kakki, "Honestly talaga, hindi ko talaga inexpect ‘to. Kasi may Nadine Lustre, may Lorna Tolentino, may Chanda Romero. Hiningi ko lang kay Lord. Sabi ko, Lord kung may chance na manalo, kahit mag-tie ako with any of them. May Gabby Padilla pa!"

“I swear! Hindi ko talaga inexpect. Ta’s no’ng narinig ko ‘yong pangalan ko, parang gusto ko maglupasay. Nag-prepare lang ako ng listahan—-just in case! Pero grabe. I can’t believe it. I’m very grateful. Salamat po,” dugtong pa ng aktres.

Events

MMDA, pinabulaanang sa Pasig gaganapin parada ng 2nd Summer MMFF

Sa huli, hinikayat ni Kakki na panoorin ng mga Pilipino ang “Isang Himala” sa pinakamalapit na sinehan.

Matatandaang ayon sa inilabas na listahan ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan ng umano’y nangungunang pelikula sa 2024 MMFF, makikitang nahuhuli ang “Isang Himala.”

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, isiniwalat nangungunang pelikula sa 2024 MMFF

Kaya naman, nanawagan ang lead actress nitong si Aicelle Santos na unahing panoorin ang naturang pelikula.

MAKI-BALITA: Panawagan ni Aicelle Santos, unahin ang 'Isang Himala' sa MMFF