Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar dakong 10:46 ng umaga nitong Linggo, Disyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 61 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sulat, Eastern Samar, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.