Isiniwalat ni Kapuso comedienne Pokwang na isa na raw siyang ganap na lola ng anak ng panganay niyang si Mae Subong.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, emosyonal na sinabi ni Pokwang na isa na naman daw itong blessing.
“May apo na ako,” saad ni Pokwang. “I have 4 years old. I’m a lola.”
“Another blessing ng buhay ko. Another reason na ipagdasal ko ang sarili ko na humaba pa ‘yong buhay ko para makita ko ‘yong paglaki niya,” wika ng komedyante.
Dagdag pa niya, “Tapos, super-super cute na bata. Super talinong 4 years old. And I’m so proud. “
Nang tanungin si Pokwang kung ano raw ang gustong itawag ng apo niya sa kaniya, sinabi niyang “mamita.”
“Pero may sarili siyang lengguwahe. Ewan ko ba. Mommy gay tawag niya sa akin,” natatawang sabi niya.
Samantala, hindi naman daw nagalit si Pokwang nang malaman niyang buntis si Mae noong kasagsagan ng pandemya at hindi ito natuloy makapagtrabaho sa New York.