May 22, 2026

Home BALITA National

‘Bagong kagamitan sa 4Ps beneficiaries?’ DSWD, nagbabalang AI-generated ang kumakalat na litrato

‘Bagong kagamitan sa 4Ps beneficiaries?’ DSWD, nagbabalang AI-generated ang kumakalat na litrato
Photo courtesy: DSWD (FB)

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa kumakalat na larawan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa social media kamakailan. 

Batay sa pahayag ng DSWD nitong Lunes, Mayo 4, pinabulaanan nila ang katotohanan sa likod ng larawang nagpapakita na nakatanggap ng mga bagong kagamitan ang 4Ps beneficiaries. 

Anila, artificial intelligence (AI)-generated ang nasabing litrato upang magmukha itong lehitimo at makapanlinlang sa publiko. 

“Walang katotohanan ang kumakalat na larawang ito. Ito ay ginawa gamit ang artificial intelligence (AI) para magmukhang lehitimo, ngunit naglalaman ito ng maling impormasyon na maaaring makapanlinlang sa publiko,” mariing saad ng DSWD. 

Kaya ipinaalala ng ahensya na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagpapakalat ng maling impormasyon, pekeng anunsyo, at mapanlinlang na content gamit ang kanilang pangalan. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sa patuloy na pagdami ng ganitong uri ng content, hinihikayat nila ang publiko na maging mapanuri at iwasan ang pagbabahagi ng anumang impormasyon mula sa unverified source. 

Upang matiyak ang tamang impormasyon, ipinapayo ng DSWD na i-follow lamang ang kanilang official Facebook page na @dswdserves.