Tila mas matimbang para kay Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang paglilingkod sa publiko kaysa irampa ang kaniyang taglay na ganda.
Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Mayo 4, nausisa si Bea kung paano siya hinulma ng kinalakhan niyang environment sa Amerika.
Ipinanganak si Bea sa Milwaukee, Wisconsin, United States noong 2002. Mula siya sa pamilya ng mga imigrante. Ang kaniyang dugong Pinoy ay galing sa panig ng nanay niya.
“I would say that being Filipina has really been the north star of who I am. Because growing up in a place where I didn’t feel like I belonged, I always felt a sense of belonging and home whenever I’d come back to the Philippines,” saad ni Bea.
Ayon sa kaniya, nag-aral din siya ng Philippine Studies at Southeast Asian Studies sa mga unibersidad upang lalong makakonekta sa kaniyang pinagmulan.
“And when I moved back to the Philippines,” pagpapatuloy ni Bea, “it was always in the service of others. So, I first had a consulting C-job with a non-profit firm that worked with various non-profits around the Philippines.”
Dagdag pa ng kandidata, “I’m excited to really be a public servant more than a beauty queen to use this opportunity to promote several advocacies that I’m really passionate about.”
Matatandaang si Bea ay nakikiisa sa mga inisyatibong inorganisa ng Panatang Luntian at Environmentalists Stand Against Corruption Alliance.
Sa katunayan, kasama siya sa pagkilos na ginanap sa Luneta noong Setyembre 21, 2025. Ito ay bilang tugon sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Samantala, nakatakdang katawanin ni Bea ang Pilipinas sa global stage para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Nobyembre 2026.
Basahin: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?