Nagpaabot ng pagbati ang personalidad na si Chloe San Jose para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, kasama ang kaniyang boyfriend na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, na talaga namang pinusuan ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta.
Ayon sa social media posts ni Chloe, punumpuno ng kasiyahan ang puso niya dahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
"the tree is lit, the gifts are wrapped, and my heart is full ," anang Chloe.
"this season reminds me how truly blessed we are to be surrounded by so much love and warmth. here’s to celebrating the reason for the season "
"MERRIEST CHRISTMAS EVERYONE "
Sa comment section ng kaniyang Instagram post, ilang netizen naman ang nagtanong sa kaniya kung kailan daw ang kasalan nilang dalawa, dahil ito na lang daw ang tila kulang sa kanilang dalawa.
"Get married guys," sabi ng isa.
Hirit naman ng isa, "what’s stopping you from getting married?"
Pero mga kapwa netizen na rin ang bumarda sa kanila.
"leave them alone."
"WWHY DONNT YOUUU GEEET MARRIIEEDD"
Hindi naman sumagot si Chloe o si Caloy sa mga pang-uurirat ng mga netizen tungkol sa pagpapakasal.
Matatandaang sa mga nagdaang panayam ni Caloy ay tahasan niyang sinabing si Chloe na ang nakikita niyang magiging ina ng mga magiging anak niya, subalit hindi naman siya nagbigay ng definite dates kung kailan nga ba sila hahanap sa dambana ni Chloe.
MAKI-BALITA: Moonstar88, sagot free wedding performance ni Carlos Yulo