May 22, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Moonstar88, sagot free wedding performance ni Carlos Yulo

Moonstar88, sagot free wedding performance ni Carlos Yulo
Moonstar88 (Facebook); Carlos Yulo (AP via MB)

“Pero no pressure, Caloy!”

Sagot na ng Filipino band Moonstar88 ang libreng tugtugan kapag kinasal na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Shinare ito mismo ng Moonstar88 sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 7.

“2 Golds!!! .Dahil di ka nahihilo, nalilito sa routine mo… sagot na namin ang tugtugan sa kasal mo, Caloy!” anang Moonstar88.

“Free wedding performance for Carlos Yulo,” nakasaad din sa nakalakip na larawan sa kanilang post.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Samantala, sa comment section ng naturang Facebook post ay humirit din naman ang banda ng: “Uy no pressure Caloy! Kahit umabot pa ng 2088 .”

Matatandaang nakuha ni Yulo, 24, ang dalawang gintong medalya sa Paris Olympics matapos niyang maging kampeon sa floor exercise at sa vault finals ng men's artistic gymnastics.

BASAHIN: The Golden Boy: Si Carlos Yulo at kaniyang dalawang gintong medalya

Kasalukuyan namang in a relationship ang Pinoy gymnast sa content creator na si Chloe San Jose.

BASAHIN: Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo