Tila masama pa rin daw ang loob ng mga fans ni “It’s Showtime” host Kim Chiu sa ex-boyfriend nitong si Xian Lim at sa new girlfriend ng aktor na si Iris Lee.
Sa isang episode ng showbiz-oriented vlog na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” kamakailan, sinabi ni showbiz insider Jobert Sucaldito na binabantaan daw ng fans ni Kim ang magjowang sina Xian at Iris.
“Xian Lim at ang jowang si Iris Lee, binabantaan ng mga fans ni Kim Chiu, makakarma raw. Diyos ko, pinangungunahan ‘yong magjowa. Kasi nga ‘di ba, siyempre heart broken si Kim Chiu,” saad ni Jobert.
Ayon sa showbiz insider, marami raw kasing proyekto ang dalawa na tila hindi pumatok sa takilya. Si Iris kasi ay isang film producer. In fact, may pelikula silang dalawa noon na ang pamagat ay “Kuman Thong.”
MAKI-BALITA: Xian Lim, Iris Lee may nilulutong proyekto sa Thailand?
Matatandaang matapos ianunsiyo nina Xian at Kim ang kanilang hiwalayan, nagsimulang lumutang ang mga espekulasyon na si Iris umano ang third party sa relasyon ng dating magkasintahan.
MAKI-BALITA: Kahit sila pa ni Kim Chiu: Xian Lim, ibinabahay na si Iris Lee?
MAKI-BALITA: Xian Lim, Iris Lee dalawang taon nang nagkakamabutihan?
Ngunit kalaunan, pinabulaanan niya ang tungkol dito nang maitampok siya sa isang lifestyle magazine.
MAKI-BALITA: ‘She doesn’t deserve all that flak!’ Xian Lim itinangging third party, ibinabahay si Iris Lee