Bumaba ang rating sa ilang mga Pinoy nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, batay sa inilabas na survey ng Pulse Asia noong Sabado, Disyembre 21, 2024.
Ayon sa nasabing survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, kapuwa bumaba ang trust at approval ratings ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Sa datos para kay PBBM, bahagyang bumaba ang kaniyang approval ratings na mula 50% noong Setyembre ay nakakuha na lamang ito ng 48%, gayundin ang kaniyang trust ratings na 47%.
Nasa 12% naman ang ibinaba ng trust ratings ni VP Sara kung saan mula 615 noong Setyembre ay nakakuha na lamang ito ng 49%.
Ipinakita rin ng nasabing survey na mula naman sa Classes ABC, halos tumabla ang approval at disapproval ratings ng Pangulo (39% at 32%) gayundin ang magkadikit na datos ng kaniyang trust at distrust ratings na (40% ay 36%) mula sa nasabing social classes.
Habang nakakuha naman 80% na approval at 81% trust ratings si VP Sara mula sa Mindanao.
Samantala, nakakuha naman ng 53% approval ratings (mas mababa ng 7% sa naunang survey) at 51% trust ratings (mas mababa ng 5%) si Senate President Chiz Escudero. Nasa 44% naman ang nakuhang trust at approval ratings ni House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa Pulse Asia, isinagawa ang face-to-face interview na nilahukan ng 2,400 katao mula edad 18 taong gulang patas, kung saan mayroon itong ± 2 percent error margin at 95% confidence level.