December 22, 2024

Home BALITA National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Northern Samar

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Northern Samar
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Northern Samar nitong Sabado ng umaga, Disyembre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:25 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 79 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Laoang, Northern Samar, na may lalim na 39 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Banknotes na may nakaimprentang ‘bayani,’ mananatili sa sirkulasyon – BSP

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.