Tila isang blessing ang dumating sa pamilya ng Kapamilya actor na si JC De Vera bago matapos ang taong 2024.
Sa latest Instagram post ni JC nitong Sabado, Disyembre 21, ibinahagi niya ang kaniyang selfie habang hawak ang ultrasound image ng new baby nila ng asawa niyang si Rikkah Cruz.
“Excited for what the new year holds. Good things are definitely coming! ” saad ni JC sa caption.
Dagdag pa niya, “Wishing everyone a joyful Christmas filled with love and happiness! #FamilyBlessings”
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kasamahan at kaibigan ni JC sa industriya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
Ogie Alcasid: "Congratulations"
Jason Abalos: "Ang saya!!!"
Ruby Ruiz: "Wowww! Merry Christmas"
Aaron Villaflor: "Grats brother @akosijcdeberat and @rikkahdevera "
Eruption Tai: "Sheeesh! Congrats bro! "
Rocco Nacino: "Wow congrats bro!!"
Joyce Pring: "Congratulations "
Joross Gamboa: "Palaki ng palaki ang Pamilya "
Hirit naman ng isang netizen: “Wow parang si. Drew lng mabilis din hehehe he congrats Jc & Rikkha for up coming baby Sana boy na ”
Sa kasalukuyan, may dalawa nang anak na babae si JC kay Rikkah, sina Lana at Laura.