December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Nadia Montenegro, sumama ang loob kay Ogie Diaz

Nadia Montenegro, sumama ang loob kay Ogie Diaz
Photo Courtesy: Nadia Montenegro (IG), Ogie Diaz (FB)

Ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol umano sa sama ng loob sa kaniya ng aktres na si Nadia Montenegro.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Disyembre 19, sinabi ni Ogie dahilan ng galit ng aktres sa kaniya.

“No’ng namatay noon si Mother Lily,” lahad ni Ogie, “nando’n kami sa likod. Para lang sabihin niyang nagagalit siya sa akin, masama ang loob niya sa akin. Kasi daw hindi ko raw alam kung anong naidulot no’ng interview ko kay Baron [Geisler] tungkol sa anak niya, binu-bully sa school.”

“So ako naman, kung feeling mo na-offend kita, nag-sorry naman ako kay Nadia. Nag-sorry ako sa kaniya. Kasi siyempre, mataas na si Nadia noong kino-confront niya ako,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng showbiz insider, “O, ngayon 360 degrees nagpapa-interview na siya—kay Julius Babao, kay Mikee Quintos, kung sino pang gustong makausap tungkol do’n sa anak niya, nagpapa-interview na siya.”

Matatandaang nagsimulang lumutang ang tsika tungkol sa anak nina Nadia at Baron nang aminin ng huli ang tungkol dito sa isang panayam nito kay showbiz insider Ogie Diaz noong Marso.

Pagkatapos nito ay nagsalita naman si Nadia at nilinaw na hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa iba.

MAKI-BALITA: Nadia Montenegro, hindi inilihim anak nila ni Baron Geisler?