Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Ilocos Sur nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:04 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 115 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Santa Catalina, Ilocos Sur, na may lalim na 15 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.