May 01, 2025

Home BALITA National

Ilocos Sur, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Ilocos Sur, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 4.8-magnitude na lindol ang probinsya ng Ilocos Sur nitong Huwebes ng hapon, Disyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:42 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 127 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Santa Catalina, Ilocos Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

PBBM, nagsalita hinggil sa pagsuspinde kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.