Pinatotohanan ng tinaguriang “Lucky Charm of Filipino Movies” na si Joross Gamboa ang pagiging sobrang lapit nina “Hello, Love, Again” lead stars Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Sa latest episode ng “On Cue” nitong Martes, Disyembre 17, sinabi ni Joross na nagkaroon daw ng pagbabago sa treatment ng dalawang pelikula.
“Going back to my question, naging close talaga ‘yong dalawa [Alden at Kathryn] here in HLA compare to Hong Kong?” tanong ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.
“Siyempre,” sagot ni Joross, “yes. Dahil iba ‘yong treatment nga sa part one.”
Ayon pa kay Joross, wala rin daw time noong mag-explore sina Kathryn at Alden dahil sobrang busy raw ng aktres noong ginagawa nila ang “Hello, Love, Goodbye.”
“Although dito [sa Hello, Love, Again] medyo busy schedule ni Alden dahil late siyang dumating dahil nga do’n sa may ginagawa pang soap. [...] Pero during our free time, we spend time,” dugtong pa niya.
Matatandaang inamin na rin naman nina Alden at Kathryn ang tungkol sa pagiging malapit nila sa isa’t isa nang kapanayamin sila ni MJ noong Oktubre.
MAKI-BALITA: 'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa