February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie, kinumpirma relasyon nina Sue at Dominic: 'Noon pa!'

Ogie, kinumpirma relasyon nina Sue at Dominic: 'Noon pa!'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Kung si showbiz insider Ogie Diaz ang tatanungin, matagal na raw may namamagitan sa rumored couple na sina Dominic Roque at Sue Ramirez. 

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Disyembre 16, napag-usapan ang picture ng dalawa na magkasama umano sa isang car dealership.

Kaya tanong ng co-host niyang si Mama Loi, “Totoo ba, ‘nay, na sila na?”

“‘Di ba mula pa sa isang source ko noon pa? Siya ang nagko-confirm na sila na,” sagot ni Ogie.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

Dagdag pa ng showbiz insider, “Kasi nga, mayro’n nang bonding moments din ‘yong family ni Dominic at ‘yong family ni Sue.” 

Pero paglilinaw ni Ogie, hindi naman daw namamanhikan.

“Parang nagbibigay lang ng ulam kay Sue. ‘Ayan, ulam Sue galing sa nanay ko,’ ganyan,” saad pa niya.

Matatandaang bago pa man lumutang ang larawang ito nina Dominic at Sue ay dalawang beses na silang nakikitang magkasama sa Siargao noong Nobyembre.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, Sue Ramirez naispatan na namang magkasama?

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang dalawa upang kumpirmahin o pabulaanan ang anomang relasyong namamagitan sa kanila.