Sinariwa ni Kapuso Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas ang araw na nakipaghiwalay sa kaniya ang ex-husband niyang si Gerald Sibayan.
Sa ulat ng GMA Entertainment noong Sabado, Disyembre 14, ikinuwento raw ni Ai Ai sa isang vodcast na nasa taping daw siya ng musical variety show na “All Out-Sunday” (AOS) nang matanggap niya ang mensahe ng pakikipaghiwalay ng dating asawa na noo’y nasa Amerika.
Ayon sa comedy queen, “‘Yong araw na sinabi niya sa akin na ayaw na niya, ganiyan-ganiyan. Ano 'yon, taping 'yon ng AOS. Birthday special ko! My gosh akala ko, sabi ko, 'Diyos ko po sana maitawid ko 'to.’
“E di ito na naitawid ko na nga 'yong show, walang hiya nakita ko si Alden Richards. Nakita ko si Alden, e, close 'yon sa akin, e. Saka close rin 'yon kay ex. So nong nakita ko siya parang ano [...] humagulgol ako,” dugtong pa niya.
Kaya naman inusisa raw ni Alden si Ai Ai kung bakit siya umiiyak. Sinagot naman siya nito, “na-miss kita.”
Pero tila hindi naitago ng comedy queen ang kaniyang pinagdaraanan sa aktor dahil pinadalhan daw siya nito ng mensahe sa Viber.
Kuwento ni Ai Ai, “Sabi niya [Alden], 'Kung ano 'yong pinagdadaanan mo, Miss Ai, okay lang 'yan.’ Sabi niya, ‘naiintindihan kita.'”
Matatandaang kinumpirma ni Ai Ai ang breakup nila ni Gerald nang sumalang siya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Nobyembre 11.
MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan