December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Lito Lapid sa ugnayan nila ni Lorna Tolentino: 'Tuksu-tuksuhan lang!'

Lito Lapid sa ugnayan nila ni Lorna Tolentino: 'Tuksu-tuksuhan lang!'
Photo Courtesy: Lito Lapid (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Tinuldukan na ni reelectionist Senador Lito Lapid ang intrigang umaaligid sa kanila ng kaniyang “FPJ’s Batang Quiapo” co-star na si Lorna Tolentino.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa loveteam nina Lito at Lorna sa naturang serye.

Ayon kay Lito, pansamantala munang magpapahinga ang kanilang loveteam na binansagang “PriManda” dahil malapit na raw magsimula ang kampanyahan.

Matatandaang isa si Lito sa mga naghain ng kaniyang certificate of candidacy sa pagkasenador noong Oktubre 2 sa The Manila Hotel Tent City.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

MAKI-BALITA: Dating magka-tandem Lacson at Sotto, magkasamang naghain ng COC sa pagka-senador

Gayunpaman, hoping pa rin daw ang senador na magtuloy-tuloy ang loveteam nila ni Lorna sa “Batang Quiapo.”

“Kaya lang medyo naaano kami,” pasubali ni Lito. “Kasi, sinasabi ko kay Coco [Martin], no’ng itinambal ako kay Lorna, sabi ko, baka hindi na kami bagay.” 

Pero hindi raw ito inayunan ni Coco dahil kailangan daw magkaroon ng loveteam ang mga senior citizen na tulad nila.

Samantala, tungkol naman sa real-score nila ni Lorna, ayon sa senador ay tuksuhan lang daw ang mayroon sila. 

“Wala, e! Puro tuksu-tuksuhan lang, ganyan," aniya.

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Oktubre ay inusisa ni showbiz insider Ogie Diaz kung totoo bang magkasintahan na sina Lorna at Lito.

MAKI-BALITA: Lorna Tolentino, Lito Lapid magkarelasyon na?