October 11, 2024

Home BALITA Eleksyon

Dating magka-tandem Lacson at Sotto, magkasamang naghain ng COC sa pagka-senador

Dating magka-tandem Lacson at Sotto, magkasamang naghain ng COC sa pagka-senador
photo courtesy: Ralph Mendoza/BALITA

Magkasamang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador sina dating Senate President Vincent "Tito" Sotto at dating Senador Panfilo "Ping" Lacson ngayong Miyerkules, Oktubre 2, sa The Manila Hotel Tent City.

Si Sotto ay tatakbo sa ilalim Nationalist People's Coalition (NPC) habang si Lacson naman ay guest candidate ng NPC. 

Matatandaang naging magka-tandem ang dalawang politiko noong 2022 national elections--Si Lacson ay tumakbong presidente habang si Sotto naman ang kaniyang bise presidente. 

Kamakailan lamang, kasama si Lacson sa line-up ng senatorial candidates na ineendorso ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. para sa 2025.

Eleksyon

'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao

BASAHIN: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'

KAUGNAY NA BALITA: Lacson sa pagtakbong senador: 'I have no doubt in my mind that should I win next year...'

Samantala, kasama rin nina Sotto at Lacson si reelectionist Senador Lito Lapid sa paghahain ng COC ngayong araw.