Ibinahagi ni dating senador at Mamamayang Liberal partylist first nominee Leila de Lima ang ilang mga larawan niya kasama si dating Vice President Leni Robredo at Senator Risa Hontiveros.
Sa kaniyang latest Facebook post nitong Biyernes, Disyembre 13, 2024, tinawag ni de Lima na reunited daw ang ilan sa aniya ay “tropang angat.
“REUNITED. It was a joy to spend time with some of our TROPANG ANGAT today at Atty. Dino and Kym's beautiful wedding. There's something special about reconnecting with those who share the same dedication to serving the people,” saad ni De Lima sa caption.
Kabilang din sa ilang mga larawan mula sa naturang FB post ni De Lima ay sina dating senador Kiko Pangilinan at senatorial aspirant Bam Aquino.
Matatandaang noong 2022 nang tumakbo bilang Pangulo ng bansa si Robredo kung saan running mate niya si Pangilinan habang kabilang naman sina Hontiveros at De Lima sa opisyal na line-up ng kaniyang senatorial slate.
Tila agad ding pinusuan ng netizens ang nasabing mga larawan at umani ng ilang positibong komento.
“Happy to see you 3 together on this occasion. My most admired women in Philippine politics!”
“Highly respected and honored people. Mga educada. Mabuhay po kayo.”
“Saludo sa mga kababaihan na lumalaban para sa bayan at para sa mga Pilipino.”
“Sila ang matatapang na babaeng lumalaban sa mga tiwaling nasa gobyerno.”
“The women with substance and balls.”
“Salute to all of you po.”