December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kristel Fulgar, walang pinagsisihan matapos sagutin ang Koreanong manliligaw

Kristel Fulgar, walang pinagsisihan matapos sagutin ang Koreanong manliligaw
Photo Courtesy: Kristel Fulgar (YT,IG)

Inihayag ng aktres at social media personality na si Kristel Fulgar ang kaniyang nararamdaman ngayong karelasyon na niya ang manliligaw niyang si Su Hyuk Ha.

Sa latest vlog ni Kristel kamakailan, sinabi niyang wala raw siyang pinagsisihan sa desisyon niyang sagutin ang kaniyang South Korean boyfriend.

“Sobrang nakakatuwa na maraming natuwa para sa akin. […] May pagka-late bloomer man e nakahabol pa din,” natatawang saad ni Kristel.

“Pero wala akong pagsisisi kasi talaga naman, everything is worth the wait. I remember, parang mga 3 years ago, medyo nape-pressure na ako, kasi nga malapit na ’ko do’n sa gusto kong marrying age, which is 30, 31, 32. Tapos ’yong mga ka-batch ko, nagpapakasalan na, may mga anak na,” pagpapatuloy pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya naman, tila napatanong daw si Kristel sa sarili kung ano ba talaga ang gusto niya sa buhay. Akala raw kasi niya dati, gusto lang niyang yumaman.

“Pero I realized, pagtanda ko, what I really wanted is to have my own family,” aniya.

Tila mahal na mahal naman si Kristel ni Su Hyuk Ha dahil nagpa-convert pa ang huli bilang kasapi ng Iglesia Ni Cristo (INC), na siya mismong relihiyon ng girlfriend nito.

MAKI-BALITA: Boyfriend reveal! Kristel Fulgar, ibinalandra ang jowang Oppa