Ibinida ng aktres-social media personality na si Kristel Fulgar na in a relationship na siya sa South Korean national na nagngangalang Su Hyuk Ha.
Si Su Hyuk Ha, ay sinasabing matagal nang naniningalang-pugad kay Kristel, at sa pagsagot nga niya rito bilang jowa, pumayag itong magpa-convert bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC), ang kinaaanibang relihiyon ni Kristel.
"Thank God I found him #PanataG" mababasa sa Instagram post ng actress-vlogger noong Nobyembre 25.
Mapapanood sa vlog ni Kristel, Biyernes, Nobyembre 29 ang tungkol sa pagpapabinyag ng kaniyang boyfriend para maging INC member.
Emosyunal si Kristel sa ilang bahagi ng kaniyang vlog, dahil naniniwala siyang worth it ang paghihintay niya sa tamang tao para sa kaniya, na eventually ay makakasama niya habambuhay kapag ikinasal na sila.
"Finally, my first boyfriend," saad ni Kristel sa pamagat ng kaniyang vlog.
Dasal niya, "Lord God, I believe that You have been preparing the perfect man for me, Your servant, and I trust that You will bring him into my life when I am truly ready to give and receive love. Now I stand before You with a heart that is open, willing, and eager to love a man who may become my partner in life. I place my trust in Your perfect timing and guidance."
"Few months later, a man came into my life who is loving, patient, respectful, and willing to share the same religious beliefs as I do...
"For the first time, I truly feel whole, as though I've finally found the missing peace of my heart."
Matapos ang pagbibinyag sa boyfriend, ibinigay na ni Kristel ang matamis na "Yes" sa kaniyang boyfriend habang nasa isang restaurant sila para magdiwang.
Sa panayam kay Kristel ng entertainment site na PEP, sinabi niyang sa una pa lang daw ay boto na ang ina ni Kristel kay Su Hyuk Ha.
Paglilinaw ni Kristel, hindi niya pinilit ang Korean boyfriend na magpa-convert sa INC kundi kusang-loob itong nagsabi sa kaniya.
At ito na nga ang naging hudyat ni Kristel para magsabi ng "Yes" sa boyfriend proposal ng noo'y suitor pa lang niya, na ang last straw ay ang ginawa nitong pag-anib sa INC.