Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Disyembre 12, na 1,479 sa 2,625 examinees ang pumasa sa December 2024 Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Examination.
Base sa tala ng PRC, nasa 56.34% ang naturang examinees ang pumasa sa pagsusulit.
Kinilala bilang topnotcher si John Philip Paladan Dela Cruz mula sa Isabela State University Echague matapos siyang makakuha ng 88.80% score.
Samantala, tinanghal bilang top performing school ang University of the Philippines Los Baños na may 95.24% passing rate.
Isinagawa ang naturang pagsusulit mula Disyembre 9 hanggang 10, 2024 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban at Tuguegarao.
Nakatakda naman ang schedule ng online appointments para sa bagong Licensed Agricultural and Biosystems Engineers’ Professional ID at Certificate of Registration simula sa Enero 13, 2025.
Congratulations, Passers!