"Buti na ‘yung alam nila..."
Hindi raw nagsisi si Vice President Sara Duterte sa kaniyang 'di umano'y pagbabanta kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Matatandaang isiniwalat ni Duterte na mayroon na siyang taong binilinan na kung patayin daw siya, papatayin naman umano nito ang mag-asawang Marcos at Romualdez.
BASAHIN: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’
Sa press briefing nitong Miyerkules, Disyembre 11, natanong kay Duterte kung nagsisisi ba siya sa kaniyang naging pahayag.
"No, buti na ‘yung alam nila na ‘pag namatay ako, I will not die in vain," simpleng sagot ng bise presidente.
Nauna rito, sinabi ni Duterte na sana raw ay inalam muna ng mga nasa pamahalaan ang pinagmulan ng kaniyang pahayag
"Iniimbestigahan nila 'yong presscon pero hindi nila iniimbestigahan kung bakit kami umabot sa presscon na 'yon. Iniimbestigahan nila ang threat kuno pero they didn't ever investigated threats against me--which are all documented," anang bise presidente.
Dagdag pa nito, "but right now, seeing that they are picking out words that I said and making a case out of it and saying these are threats, so I think they should start where this is coming from? That is the question they should ask themselves but I don't think they'll ask that. So, we just move on to the cases and the impeachment and whatever will come."