December 06, 2024

Home BALITA National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’
Courtesy: VP Sara Duterte/FB screengrab

“Sabi ko: ‘Huwag kang tumigil ha, hanggang hindi mo mapatay sila’.”

Isiniwalat ni Vice President Sara Duterte na mayroon na siyang taong binilinan na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano ng nito sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

“Huwag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kaniya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke,” ani Duterte nitong Sabado, Nobyembre 23, na pinatutungkulan ang isa sa kaniyang mga tagasuporta.

“Nagbilin na ako. Kapag namatay ako, sabi ko ‘Huwag kang tumigil ha, hanggang hindi mo mapatay sila.’ And then he said yes," dagdag pa niya.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Sinabi ito ni Duterte sa isang virtual press conference sa opisina ng kaniyang kapatid na si Congressman Pulong Duterte sa House of Representatives, kung saan siya tumuloy upang maging malapit sa kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez na nakadetine doon.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Matatandaang noong Miyerkules, Nobyembre 20, nang isyuhan ng contempt order si Lopez sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability dahil umano sa liham ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na naglalaman na huwag ilahad sa Kamara ang audit nito sa ahensya.