Opisyal at pormal nang inilabas ng ABS-CBN ang teaser trailer ng Philippine adaptation ng patok na South Korean drama series na "It's Okay To Not Be Okay" na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Carlo Aquino, at Anne Curtis.
Sa original South Korean series, ang mga bumida rito ay sina Kim Soo-hyun, Oh Jung-se, at Seo Yea-ji.
Si Joshua ang gaganap sa naging papel ni Kim Soo-hyun habang si Carlo naman sa naging karakter ni Oh Jung-se na isang person with special needs.
Si Anne naman ang gaganap sa papel ni Seo Yea-ji na isang antisocial children's book writer.
Bago ang pag-upload sa iba't ibang social media platforms ng ABS-CBN ay una na munang ipinakita ang teaser sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special 2024, sa Smart Araneta Coliseum nitong Martes ng gabi, Disyembre 10.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Bagay na bagay kay Anne! Puwede na rin si Joshua."
"Sana mapull-off nila..."
"Nakaka-excite naman, hahahaha."
"Parang wala pang chemistry sina Joshua and Anne pero let's see, magaling naman ang ABS. Bakit sina Kathryn and Alden naman nagawan din ng paraan?"
"Excited for this, mataas ang expectations ko haha."
Ito ang pagbabalik-akting ni Anne habang first time naman nilang tatlo maging magkakatrabaho.