December 12, 2024

Home BALITA National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’
(file photo)

Nagbigay ng reaksyon si Vice President Sara Duterte sa dalawang impeachment complaint na inihain laban sa kaniya sa Kamara.

Sa panayam ng GMA News nitong Lunes, Disyembre 9, sinabi ni Duterte na noong nakaraang taon pa raw niya nabalitaan ang planong paghahain ng impeachment complaint laban sa kaniya.

Ayon pa sa bise presidente, wala raw problema sa kaniya ang impeachment case dahil siya lamang ang tinitira nito at hindi kasama ang mga kawani ng Office of the Vice President at mga nakasama niya sa Department of Education (DepEd) noong siya pa lamang ang kalihim ng ahensya.

“I welcome that finally na-file na yung impeachment case na sinasabi nilang i-file nila since last year pa. Okay din yung impeachment case dahil ako lang yung tinitira roon. Ako lang ang iniimbestigahan noon, ako lang ang inaatake ng impeachment case. Hindi na kasali yung mga kasamahan ko sa [OVP] and yung mga dati kong kasama sa [DepEd],” ani Duterte.

National

PBBM nagbabala kontra POGO, IGL: ‘Di na kailanman papayagang manalasa ang mga ito!’

“At least kung meron tayong impeachment case, masagot na nang final kung ano yung mga inaakusa nila sa akin,” saad pa niya.

Matatandaang noong Disyembre 2 nang maghain ng impeachment complaint laban kay Duterte ang iba’t ibang civil society leaders na inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Pagkatapos nito, noong Disyembre 4 naman nang iendorso ng Makabayan bloc sa Kamara ang impeachment complaint na inihain ng nasa 75 indibidwal laban din sa bise presidente.

MAKI-BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!