December 26, 2024

Home SHOWBIZ

Skincare brand, pinuri dahil 'di niligwak si Maris

Skincare brand, pinuri dahil 'di niligwak si Maris
Photo Courtesy: Maris Racal (IG)

Maraming netizen ang humanga sa isang skincare brand sa desisyon nitong hindi bitawan si Kapamilya actress Maris Racal bilang endorser sa kabila ng isyung kinasasangkutan.

Sa Instagram story ng Snail White Philippines noong Lunes, Disyembre 9, makikitang tampok ang larawan ng mukha ni Maris.

“To err is human, to forgive is divine, keep glowing,” saad sa text caption.

Kaya naman umani ng papuri ang Snail White Philippines dahil dito. Sa mga sumunod nilang Instagram stories, makikita ang reaksiyon ng ilang netizens:

“This is beautiful [Snail White Philippines]”

“Omgggg i love [Snail White Philippines]  nakakaproud”

“Nakakabilib ka [Snail White Philippines]”

“When I’m tempted to judge someone’s mistakes, I remind myself that I’m not perfect either. We all fall short just in different ways”

“Yes to brands that support rebuilding after a major life setback and not holding people to unrealitically perfect standards”

“Dun tayo sa hindi ilalaglag kahit sa oras ng kagipitan”

Matatandaang kamakailan lang ay naglabas ng pahayag ang “Dazzle Me Philippines" para sabihing hindi na nila endorser pa si Maris.

MAKI-BALITA: Maris Racal, niligwak na bilang endorser ng isang kompanya