December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Ogie Diaz, nakikita katauhan ni Arnold Schwarzenegger kay Arjo Atayde

Ogie Diaz, nakikita katauhan ni Arnold Schwarzenegger kay Arjo Atayde
Photo Courtesy: Ogie Diaz, via Arnold Schwarzenegger (FB), Nathan Studios (IG)

Pinuri ni showbiz insider Ogie Diaz ang pagganap ng award-winning actor na si Arjo Atayde sa bago nitong pelikula “Topakk.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Disyembre 8, sinabi ni Ogie na inihayag niya raw kay Sylvia Sanchez ang paghanga niya sa anak nito.

“Ang galing-galing ni Arjo Atayde, ha,” saad ni Ogie. “Sabi ko, ‘Ibyang [Sylvia] iba ang mata ni Arjo.’”

Dagdag pa ng showbiz insider, “Sabi ko kay Ibyang, ‘alam mo ‘yong anak mo, parang nakikita ko sa kaniya si Arnold Schwarzenegger na man of few words. Mas sa gawa kaysa salita.”

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Kaya naman, ayon sa co-host ni Ogie na si Mama Loi, talagang aabangan daw ang bawat sasabihin ng aktor dahil sa limitadong mga linyang binibitawan nito sa pelikula.

Nakasentro ang kuwento ng “Topakk” sa guwardiyang may post-traumatic stress disorder o PTSD na mati-trigger ang emosyon habang pinoprotektahan ang akusadong drug mule na gagampanan ni Julia Montes.

MAKI-BALITA: Julia Montes, naaksidente sa set ng 'Topakk'

Ang naturang pelikula ay isa sa mga nakapasok na lahok sa darating na 2024 Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25.

MAKI-BALITA: 2nd batch ng official film entries sa MMFF 2024, pinangalanan na!