Ano kaya ang naging reaksiyon ng French non-showbiz boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou nang makita niya ang kissing scene nito sa “Uninvited?”
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Disyembre 8, sinabi ni Christophe na kasama raw siya ni Nadine sa shooting ng naturang pelikula.
"For me, it's very interesting to be behind the scenes. I've seen her kissing [scenes]. For me, it's almost funny,” saad ni Christophe.
Pero ayon kay Nadine, bago pa man ito nasaksihan ni Christophe ay nauna na niyang ipaalam sa jowa ang tungkol dito.
"When I read the script the first time, I told him about it. I told him, 'I don't know if I can do it'. He knows all the scenes. He knows my character," aniya.
Samantala, inaasahan naman ni Christophe na mas magiging malaki ang “Uninvited” kaysa sa “Deleter” ni Nadine noong 2022 kung kailan siya itinanghal na Best Actress sa Metro Manila Film Festival.
Matatandaang tila nagulantang ang mga netizen sa malutong na pagmumura ni Nadine sa isang eksena ng pelikula matapos ilunsad kamakailan ang official trailer nito.
MAKI-BALITA: Malutong na pagmumura ni Nadine Lustre kay Aga Muhlach, nagpa-shookt