Tila may makahulugang hirit ang aktres na si Mercedes Cabral tungkol sa karakter niyang si Lena sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” ng ABS-CBN.
Sa isang Instagram post ng CCM Film Productions kamakailan, nagbigay siya ng pahayag matapos kunan ang huli niyang eksena sa naturang serye.
“Magpapasalamat lang ako sa lahat kasi hindi ko naman mabubuo rin si Lena kung hindi dahil sa inyo. Lahat kayo may parte kung bakit ko nabuo si Lena,” saad ni Mercedes.
Dagdag pa niya, “Hindi ako magpapaalam kasi babalik ako next year as a ghost. So, thank you, guys. And mahal na mahal ko kayong lahat.”
Namatay si Lena sa isang episode ng “Batang Quiapo” matapos siyang barilin ni Rigor dahil sa pananaksak na ginawa niya sa asawa at biyenan nito.
Kamakailan lang ay naloka ang mga netizen sa kinahinatnan ng karakter ni Mercedes na nasiraan na ng bait. Nagmukha raw tuloy suspense at horror ang naturang serye.
MAKI-BALITA: 'Horror Quiapo na?' Serye ni Coco, pa-suspense-horror na raw
Matatandaang sa kabila ng pagiging kontrabida ni Mercedes sa serye ay inuulan pa rin siya ng papuri dahil epektibo niyang nagagampanan ang karakter ni Lena.