Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Zambales nitong Sabado ng madaling araw, Disyembre 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:49 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 77 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Candelaria, Zambales, na may lalim na 14 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.