December 26, 2024

Home BALITA National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Tatlong weather systems ang patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong Sabado, Disyembre 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang unang weather system na shear line, o ang linya kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Cagayan, Isabela, at Apayao.

Maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang inaasahang idudulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), o ang linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres, sa Caraga at Davao Region.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar dito dahil sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Samantala, inaasahang magdudulot ang ikatlong weather system na northeast monsoon o malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan sa lalawigan ng Batanes. Wala namang inaasahang magiging epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Bukod sa naturang weather systems, inaasahang magdudulot ang localized thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa. Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga lugar dito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang namamataan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).