Nagbigay ng opinyon ang aktres na si Rica Peralejo kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng magka-loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Sa Thread post ni Rica kamakailan, sinabi niyang nakaramdam daw siya ng matinding kahihiyan sa nangyari lalo na para kay Maris.
“Hindi ko sinasabing mali sya or tama kung sinuman but that I just know how it feels like to be once young and to do things that might not exactly be favorable in the public eye,” saad ni Rica.
“I also have done foolish things, and I can just imagine na kung may naglabas nung mga yun at ng totoo kong ugali lalo na if medyo may potensyal na majudge ako ng mga tao, ay siguradong madadown ako kasi wala namang may gusto nun,” aniya.
Dagdag pa ng aktres, “Lahat tayo may mga sides satin na good, bad, etc, and nagkataon lang talaga na sikat sya kaya ang massive nung blow sa kanya. Kung tutuusin, sa mga kasamaan natin deserve din naman natin mapahiya in that scale, I bet.”
Gayunman, nilinaw ni Rica sa comment section na mali pa rin umano ang “cheating” at walang anomang excuse para rito.
“Ang dami kong mali sa buhay na nakakarelate talaga ako sa shame ni Maris sa pagkasama kong tao pero nakakarelate din ako na maloko tulad ni Jam [Villanueva],” sabi pa niya.
Matatandaang nagsimula ang isyung ito matapos isiwalat ni Jam ang mga screenshot na nagpapatunay sa pagtataksil ni Anthony sa kaniya.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings