Tila inakala ng isang motorista na ililigtas siya ng kinaaniban niyang relihiyon mula sa kinasangkutan niyang violation sa kalsada.
Sa isang Facebook post ni Gabriel Go nitong Miyerkules, Mayo 6, mapapanood ang video ng kaniyang paninita sa motorista na ilegal na iginarahe ang motor sa bahagi ng Taft Avenue.
“Ito-tow po ang motor n’yo,” sabi ni Go.
Katwiran naman ng motorista, “Iglesia naman ako, Sir, e. “
“E, ano naman?” sagot ni Go. “Dapat ang relihiyon natin ginagamit natin sa tamang pamamaraan. Hindi po ginagamit para excuse.”
Si Go ay head ng Special Operations Group-Strike Force ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kilala rin siya sa mga ibinabahagi niyang video sa kaniyang social media platform kaugnay sa paninita at panghuhuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko.
Kaugnay na Balita: Gabriel Go, kuwelang hinuli paslit na nakamotorsiklo; binigyan ng mamahaling cellphone!