"Umalma" ang broadcaster-journalist na si Anthony "Ka Tunying" Taberna sa mga nagta-tag sa kaniya at isa sa mga host ng morning show na "Unang Hirit" na si GMA news anchor Mariz Umali.
Kaugnay pa rin ito ng sumabog na isyu patungkol sa pagsisiwalat ni Jam Villanueva sa screenshots ng private conversation nina Maris Racal at Anthony Jennings, na nagpapakita raw ng kataksilan ng dalawa sa kaniya.
Ang ilang mga netizen na ginawang katatawanan ang isyu, sina Ka Tunying at Mariz ang mine-mention sa mga hirit at memes, bagay na nakarating naman sa kaalaman ni Ka Tunying.
Kaya sey na lang ni Ka Tunying, "Pambihirang patis! Hindi kami!"
Pero sundot pa ni Taberna sa isa pang Facebook post, "
"Natawa ako bakit nadamay pa kayo dalawa."
"Anthony"
"Mariz"
"Hahahahaha."
"Funny but sad kasi nangyayari yan at talagang masakit sa mga naloloko," pahayag ng journalist.
Si Mariz naman, tila sinakyan na rin ang isyu at ang post ng Unang Hirit sa pagdiriwang nila ng kanilang 25th anniversary.
"Mananatiling loyal sa Unang Hirit…"
"Loyal sa 24 Oras"
"Loyal sa GMA News"
"Loyal sa GMA Network"
"Loyal na Kapuso"
"Loyal sa pamilya"
"Loyal shempre kay Raffy Tima"
"At Loyal na Loyal sa Panginoon ," aniya pa sa ibinahaging Facebook post.