Dinumog ng mga komento at mensahe ang post ng "Premier Volleyball League" matapos nilang ibahagi ang larawan ni Rivermaya lead vocalist Rico Blanco habang kampanteng nanonood ng volleyball game.
"This is the HEART OF VOLLEYBALL, Mr. 214, Rico Blanco! ," mababasa sa caption ng Facebook post.
"Concern" ang mga netizen kay Rico matapos pumutok ang pagsisiwalat ni Jam Villanueva, non-showbiz ex-girlfriend ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings, patungkol sa umano'y affair ng huli kay Kapamilya actress Maris Racal, na ex-jowa naman ni Rico.
Bago ang kumpirmasyon ng hiwalayan nina Anthony at Jam, nauna munang magkumpirma si Maris na wala na sila ni Rico.
Nitong gabi ng Martes, Disyembre 3, isiniwalat ni Jam sa kaniyang Instagram stories ang ilan sa screenshots ng umano'y intimate na pag-uusap nina Anthony at Maris, na noong una raw ay pinalagpas lamang niya dahil sa excuse daw ng ex-jowa na parte lamang ito ng "method acting" dahil nga magkatambal sina Anthony at Maris.
Matatandaang nabuo ang tambalan nina Maris at Anthony dahil sa on-screen chemistry nila sa seryeng "Can't Buy Me Love," bilang "SnoRene," at ngayon nga, binigyan ng pangalan ang tambalan nila bilang "MaThon."
Saad ni Jam sa kaniyang paunang mensahe, ginawa niya ang pagsisiwalat ng kaniyang panig upang ilabas ang kaniyang katotohanan tungkol sa mga nangyari sa pagitan nila ni Anthony, na nagsasangkot nga kay Maris. Bukod dito, nadamay na rin daw ang kaniyang pamilya pati na ang pribadong buhay.
Anyway, makikita naman sa comment section ng post ng PVL ang iba't ibang mensahe ng netizens para kay Rico.
"You'll be safe here, Kuya Rics!"
"Don’t wanna spill the tea, but wait guyz, it’s Thang Ponce, why he’s there."
"Waiting for the screenshots from Maris. Oh SHE KNOWS."
"U miss her body ba hahahaha."
"Sino pinopormahan nito hahaha."
"Huy alam mo na ba kalat ng ex mo hahaha."
"He knows."
"Hugsss, Rico..."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Anthony at Maris tungkol sa isyu.