December 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Trina Candaza, nagsasariling-sikap sa buhay; walang jowang mayaman

Trina Candaza, nagsasariling-sikap sa buhay; walang jowang mayaman
Photo Courtesy: Trina Candaza (IG)

Pinabulaanan ng ex-partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza ang tsikang may jowa raw siyang nagsusustento sa kaniyang mga luho at pangangailangan.

Sa isang Instagram post kasi ni Trina noong Lunes, Disyembre 2, inihayag niya kung gaano siya nagpapasalamat sa kaniyang pamilya at mga kaibigang nagpaabot ng suporta sa kabila ng kaniyang pinagdadaanan.

“2024 has been a year of lessons—some easy, others not so much. Grateful for every single one,” saad ni Trina.

Samantala, isang netizen naman ang nangahas magkomento at inungkat ang tungkol sa nasabing tsika.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, hindi raw nag-delete ng convo kaya nahuli sey ni Xian Gaza

“Tama tong post na to para makita ng mga haters na hindi dahil sa rumored bf mo kaya mo naafford lahat. I know you’re better than those rumors. I look up to you as a single mom din,” saad ng netizen.

Tugon naman ni Trina, “I've heard the rumors about me nga. Pero no, I'm not dating anyone right now. And I work very hard to provide a good life for me and my daughter.”

“I fully understand that there will always be assumptions from other people—and that’s okay. But I am the best person to tell my story because I live it,” dugtong pa niya.

Matatandaang bagama’t nagkaroon ng anak si Carlo kay Trina, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Ikinasal kalaunan si Carlo sa kapuwa artista nitong si Charlie Dizon.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!