Ganap nang mag-asawa ang celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Hunyo 9, ginanap umano ang secret wedding sa isang private resort sa Silang, Cavite sa parehong petsang nabanggit.

Kabilang umano sa mga principal sponsor ng nasabing kasal ay ang mga sumusunod: ABS-CBN CEO at President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Vilma Santos-Recto, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, Senator Bong Revilla at ang asawa nitong si Cong. Lani Mercado.

Matatandaang nagbahagi ng makahulugang Instagram post si Carlo noong Hunyo 8 na may kalakip na larawan nila ni Charlie.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

MAKI-BALITA: Carlo handa nang gapangin ang buhay kasama si Charlie

Pero bago pa man ito ay nauna nang napag-usapan ang kasal ng dalawa sa showbiz-oriented vlog ni showbiz insider Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Kasal nina Carlo, Charlie may petsa na?

MAKI-BALITA: Kasal nina Carlo Aquino, Charlie Dizon matutuloy na?